Thursday, February 7, 2008

Lolipop

Ang hirap pala. Masakit sa pakiramdam kung malalaman mong malayo pa pala ang isang bagay na iyong nakikitang abot-kamay mo na lamang. Masakit ding isiping kahit na malapit na, may nakaharang palang makapal na salamin na pumipigil sa iyo upang hindi mo maabot.

Para akong isang batang pinakitaan ng lollipop ng aking tatay pero hindi naman pala niya ibibigay sa akin. Sadyang hindi lang talaga siguro iyon para sa akin at nakalaan lamang iyon sa ibang batang kanyang pinili. O marahil iniisip niya rin na masisira lamang ang aking ngipin kapag iyon ay aking kinain.

Pero sana man lang, inisip niya rin ang damdamin ng isang batang paslit. Hindi na lang sana niya ipinakita sa akin ang lollipop na iyon kung hindi rin lang niya kayang ibigay.

Nananaghoy ang aking puso sa mga makapangyarihang kataga na aking narinig noong nakaraang Biyernes.

Lolipop

Ang hirap pala. Masakit sa pakiramdam kung malalaman mong malayo pa pala ang isang bagay na iyong nakikitang abot-kamay mo na lamang. Masakit ding isiping kahit na malapit na, may nakaharang palang makapal na salamin na pumipigil sa iyo upang hindi mo maabot.

Para akong isang batang pinakitaan ng lollipop ng aking tatay pero hindi naman pala niya ibibigay sa akin. Sadyang hindi lang talaga siguro iyon para sa akin at nakalaan lamang iyon sa ibang batang kanyang pinili. O marahil iniisip niya rin na masisira lamang ang aking ngipin kapag iyon ay aking kinain.

Per sana man lang, inisip niya rin ang damdamin ng isang batang paslit. Hindi na lang sana niya ipinakita sa akin ang lollipop na iyon kung hindi rin lang niya kayang ibigay.